Showing posts with label author. Show all posts
Showing posts with label author. Show all posts

Guest Blog: Edgar Calabia Samar

Ikinalulugod kong ipakilala sa inyong lahat ang isa sa mga paborito kong mángangathâ, si Edgar Calabia Samar.
Note: To my international readers, this entire post is written in Filipino.

Ang Talinghaga sa mga Nilalang na Kagila-gilalas

Sa una kong nobelang Walong Diwata ng Pagkahulog, sinikap kong magbuo ng isang mito tungkol sa mga dakilang manunulat: na anak sila ng isang diwata sa isang mortal. At bagaman hindi nagiging diwata ang anak ng diwata, hindi rin sila nagiging ganap na karaniwang tao. Kaya marami sa kanila, káhit nabubuhay sa mundong ito, parang laging lumilipad sa kung saan ang isip. Parang laging may kinakapang kung ano ang puso. Mananatili sila sa mundong ito subalit hindi rin nila mararamdaman na kabilang sila rito kaya’t patuloy silang kakatha ng mga daigdig na ito-subalit-hindi-rin-ito sa pag-asa na matatagpuan ang kung anuman iyong hindi rin naman nila mapangalanan.


Samantala, nang isulat ko ang ikalawa kong nobelang Sa Kasunod ng 909, nagtuon naman ako sa mga manananggal, itong larawan ng ating sinaunang tákot, na pumapainlanlang sa mga gabi ng matinding gutom, at iniiwan ang kalahati ng katawan sa lupa. Sa isang banda, may matandang pangarap na pantao na tinutupad ang larawan ng manananggal: ang pagnanasang makalipad, at tanawin ang mga bagay mula sa itaas. Pero dahil din doon kaya’t hindi rin sila makapamumuhay bílang ganap na tao. Tulad ng anak ng diwata, namumuhay sila bilang iba. Nagbibitak at nahahati ang loob nilang magkasabay na nakatuntong sa mundo at pumapailanlang mula rito.


Iyon sa palagay ko ang bisa ng ating mga kuwento at karunungang bayan na pinagmulan ng mga tauhang ito—ang lagi’t laging ipaalala sa atin na may iba pang mundo. Sa isang banda, ganito rin ang bisa ng talinghaga sa ating mga sinaunang tula, na kasintanda marahil ng kuwento ng mga diwata’t manananggal. Talinghaga ang kapasidad ng kamalayan sa pamamagitan ng malikhaing pahayag na makita o tingnan ang isang bagay bilang iba pang bagay. Niyayanig nito kung gayon ang daigdig ng literal—ang pragmatikong mundo ng naririto, hayag at kongkreto—upang maghain ng bisyon, ng kaisipan na nagmumula subalit lumalampas sa dinaranas ng mga pandama.


Para sa pinakabago kong nobela at kauna-unahan kong YA novel, ang Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon, isang alamat ng Tiyanak naman ang binuno ko. (Siyempre, hindi ko sasabihin ngayon kung ano iyong nabuo ko.) Anuman, sinisikap kong harapin pa rin dito ang isa na namang larawan ng kagila-gilalas sa ating mga kuwentong-bayan. Tulad ng talinghaga, sa palagay ko’y nariyan ang mga nilalang na ito upang patuloy at paulit-ulit na pagbukalan ng ating pagpapakahulugan.


Ehersisyo ng pagpapakatao ang pagbibigay-kahulugan sa mga bagay-bagay. Hindi nito nalulubos at hindi malulubos ang pagsagot sa mga tanong na nasa isip natin, totoo, subalit kailangan din ang mga guwang at puwang na iyon upang pagsidlan ng ating haraya, ng ating imahinasyon, na maaaring naging bahagi ng ating pagkatao sapagkat kailangan natin. Sabi nga ng isang nobelistang Ingles na isa sa mga unang pumaksa ng nangyaring 9/11 sa nobela: “cruelty is a failure of imagination.” Kabiguan ng haraya ang kalupitan. Sa gitna ng kabi-kabilang trahedya sa bayan natin, paano natin ito hinaharap? At paano ito hinaharap ng mga manlilikha ng ating bayan?

Ang haraya, na nagpakilala sa ating mga diwata, manananggal, tiyanak, ang nagturo rin sa ating mga ninuno, sa pamamagitan ng isang dalít na: “Ang sugat ay kung tinanggap/ Di daramdamin ang antak./ Ang aayaw at di payag,/ Galos lamang, magnanaknak.” Ito siguro ang ubod ng ipinagpaparangalan nating tatag bilang isang bayan. Lahat ng sugat na kaya nating tanggapin.

*Maaaring i-like sa FB ang Janus Sílang Series sa http://www.facebook.com/JanusSilang. Maaari ring i-follow si Edgar Calabia Samar sa @ecsamar sa Twitter. Bisitahin ang edgarsamar.com para sa iba pang akda ni Samar.

Author Interview: Edgar Calabia Samar

Note: For my international readers, this post is written in Filipino.

Matagal-tagal ko na ring kilala si Edgar Calabia Samar o mas kilala ng ilan sa tawag na Sir Egay o Egay. Una ko siyang nakadaupang-palad nang ako'y dumalo sa isang pagtitipon ng Pinoy Reads Pinoy Books na noon ay sabayang binabasa ang kanyang unang nobela na Walong Diwata ng Pagkahulog. Pagkatapos nga ng gabing iyon sa Marikina ay naging masugid na akong tagahanga ni Sir Egay na lalo ko pang nakilala nang minsa'y naglakbay kami upang hanapin ang Atisan. Noong araw din na 'yon ko nakilala si Janus Silang at simula nga noon ay talagang inabangan ko na ang araw na mababasa ko ang aklat na ito.

Ngunit bago pa natin pag-usapan ang buong libro, tayo ay pinaunlakan ni Sir Egay ng isang maikling panayam upang lalo pa nating makilala ang ating bidang si Janus!

TheLibrary Mistress: Bakit Janus Silang ang pangalan ng bida?

Edgar Calabia Samar: May kababata at kaibigan akong Janus ang pangalan, dahil January ang birthday niya, at matagal na niya akong kinukulit sa FB chat na isama siya sa mga sinusulat ko. Med rep siya, at kapag tinatanong ko siya kung ano ba ang mga interesting sa buhay-med-rep, wala naman siyang maikuwento. Sabi niya noon, kahit pangalan na lang niya ang gamitin ko. Nang pinaplano ko ang pagsusulát ng nobela, at nag-iisip ako ng pangalan ng bida, naghahanap ako ng pangalang makauugnay pa rin ang henerasyon ngayon, at noon ko naalala ang Janus. Pero hindi ko sinunod ang buong pangalan niyang Paul Janus dahil Janus Gregorio Sílang ang buong pangalan ng ating bida. Bakit Sílang? Sasagutin ito ng mga susunod na aklat kapag binalikan natin ang angkan ni Janus.

TLM: Sino si Janus Silang at bakit dapat namin siyang makilala?

ECS: Kinakatawan ni Janus ang karaniwang kabataan sa kasalukuyan na may mga barkada, nagkaka-crush, napapalayo ang loob sa mga magulang dahil sa pagbibinata, nalululong sa mga bisyong tulad ng pagdo-DOTA. Subalit si Janus din ay kumakatawan sa pantastikong buhay na pinapangarap at maaaring napapanaginipan lang ng ilang kabataan. Si Janus ang bayaning nasa puso ng bawat batang ibig iligtas ang mundo laban sa lahat ng nilalang ng dilim.

READ MORE: Cover Reveal: Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon by Edgar Calabia Samar

TLM: Bilang awtor, ano ang inspirasyon mo sa pagsulat ng akdang ito?

ECS: Matagal ko nang gustong makapagsulat ng nobelang sa palagay ko’y mababasa’t magugustuhan ng mga taong mahalaga sa akin. Hamon sa akin ang pagpapahalaga sa simpleng pagkukuwento. Sa mga una kong nobela, higit na nangingibabaw ang proyekto ng pagsasanaysay kaysa pagsasalaysay. Ngayon, gusto ko lang lumikha ng nobelang pananabikan ng mambabasa. Ngayon, gusto kong maunawaan kahit ng isang karaniwang teenager. Kapag binasa niya ang nobela ko sa halip na mag-DOTA sa loob ng kung ilang oras, alam kong hindi nasayang ang panahon ko sa pagsusulat nito. Pagkatapos niyang magbasa at habang hinihintay ang Book 2, puwede na ulit siyang mag-DOTA muna.

READ MORE: First Chapter Preview: Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon by Edgar Calabia Samar

TLM: Sa iyong nobelang, Walong Diwata ng Pagkahulog, ipinakilala mo ang mga tiyanak sa mundo. Saan nangagaling ang iyong pagkahilig sa mga tiyanak?

ECS: Noon pa mang tula ang mas isinusulat ko, interesado na ako sa ating mga panitikang-bayan, lalo pa ang mga nilalang ng dilim sa ating mga alamat. Nakapagsulat na ako ng mga tulang nagtatampok sa tiyanak, bago ko pa man ito ginamit sa aking mga nobela. Sa isang banda, halos awtobiyograpiko ang simula ng Walong Diwata ng Pagkahulog. Isa sa mga hindi ko malilimutang kuwento noong bata ako’y na pinaglaruan umano ako ng tiyanak.

TLM: Nabanggit na rin naman natin ang isa mo pang nobela, ano ang mas mahirap isulat?

ECS: Magkaiba ang antas ng hirap ng dalawa, dahil magkaiba ang proyekto. Mahirap magkompara. Unang nobela ko ang Walong Diwata, at gusto ko lang magsulat ng nobelang tingin ko’y hindi pa ginagawa sa nobelang Filipino. Iyan ang yabang ko noon, nagtagumpay man ako o hindi. Ang mahirap naman sa Janus Sílang, kailangan kong pagmukhain itong madali, lalo pa sa mga mambabasa. Siguro, kahit anong mahal mo, paghihirapan mo, dahil gusto mo ang pinakamabuti para rito. Pero sa bandang huli, ayaw ko nang pag-isipan ang hirap na pinagdaanan ko sa kanila. Ang importante’y natapos ko sa wakas, kahit pa hindi dito nagwawakas ang mga paghihirap na kailangan kong harapin.

*Maaaring i-like sa FB ang Janus Sílang Series sa http://www.facebook.com/JanusSilang. Maaari ring i-follow si Edgar Calabia Samar sa @ecsamar sa Twitter. Bisitahin ang edgarsamar.com para sa iba pang akda ni Samar.

Guest Blog: Cora Cade + Ebook Giveaway

The Library Mistress welcomes our guest, Cora Cade, author of Morning Light, a Contemporary Romance about risk and sexual tensions as the protagonists embattles for the greatest conquest of their lives, their fight for love.


My debut release MORNING LIGHT was a fairly uneventful project.   Basically I put my butt in the chair and bled all over my laptop.  For a year.  Then I pitched it to an editor and almost vomited on her awesome shoes due to my uncontrolled nerves.  She contracted it three months later and I ugly cried at my day job when the email arrived.

Like I said, not very exciting.

But today we're going to talk about five facts that might surprise you about MORNING LIGHT.  You know, in an effort to make things more interesting.

1.  By day I work in Human Resources.  While I was writing MORNING LIGHT I was also doing massive amounts of interviewing for the day job.  I secretly catalog names in my head for future use.  Last names are of special interest, because they can be more difficult to decide on.   If we meet and you introduce yourself, your name is fair game.  You've been warned.

2.  I'm a huge Mumford & Sons fan.  NO.  Really.  Mumford's 'I Will Wait' had just released ahead of the album when I began writing MORNING LIGHT.  And then I listened to that song, and only that song, while I wrote the entirety of the book.  My husband is very thankful that I work with headphones in place.  As you read MORNING LIGHT you'll see my nod to Mumford & Sons-- and that nod carries through the entire series.

3.  Our heroine, Tennyson Sharpe, rescues a neglected yellow Lab early in the book.  This was something I knew Tenn would do before I ever wrote a word of the story.  It's no secret, or even interesting, that I have four rotten dogs.  Our oldest heathen is a yellow Lab mix named Truman and he's aging.  When it came time for our heroine to adopt a dog that needed love, there was no question that her Bo would be a representation of my Truman.  Because someday he'll be gone and I wanted him to always live on.

4.  Tenn's BFF is our hero's little brother Chris.  Chris drives a classic 1969 Chevy Camaro, a fact that will come in to play later in the series when he gets his very own book.  Since I grew up with a deep appreciation for classic American muscle, I knew one of my heroes would also share my love of the classics.  Turns out his heroine will also share his love of a classic car, only she'll drive a classic Mustang.  Just one more thing for them to disagree on when the time comes.

5.  I write under a pen name.  Not because my real name is not interesting (but it's not) or because I felt a deep need for privacy (I don't).  It had more to do with the uncertainty of how being published would affect those around me.  My husband teaches sixth grade, we live in a small town, and I wasn't sure how my in-laws would receive the information that I write pretty steamy romances.  Picking my pen name involved a fire, an alcoholic beverage or two, and my husband and I flipping through a baby name book.  After we had a short list I emailed my inner circle and asked for their opinions.  Then I picked the name no one liked.  In the end I had to pick the name I loved the most, because I was the one living with it.  Now my closest friends call me Coco and my real name doesn't even enter the picture anymore.

You can find me on Facebook at:  www.facebook.com/CoraCade  or you can check out my website at:  www.coracade.com.


Library Mistress Credits: Code by Emporium Digital