Showing posts with label edgar samar. Show all posts
Showing posts with label edgar samar. Show all posts

Review: Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon by Edgar Calabia Samar


Title: Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon
(Janus Silang #1)
Author: Edgar Calabia Samar
Publication: April 2014
Publisher: Adarna House
Genre: Young Adult, Middle Grade, Fantasy
Format: Paperback, 179 pages
Source: Publisher for blog tour
Language: Filipino
In a TALA Online tournament in the town of Balanga, all the players fell dead, save for Janus. Soon after that, teen after teen suffered deaths in computer shops around the country. Janus was contacted by someone who calls himself Joey, apparently another survivor of TALA like him. Janus did not expect the truths he would discover, weaving him into the mystery of the RPG that enthralled him—and into the legend of the Tiyanak from Tábon!
In one of my previous posts, I think, I've already mentioned that it has already been almost a year since I first learned about this book, which was still a project at that moment. At that time, I find it clever and ingenious. I mean, is there a Young Adult book written in Filipino out in stores right now? Forgive me, but I can't think of any. If ever there is/are, I apologize that I haven't heard of it/them. Well, if you count Wattpad books as YA, then I'll trim my classification to Fantasy books suited for young readers.

It has always been my battle cry that youngsters nowadays don't read because they've been forced to read books they won't enjoy. (Take that, DEPEd! #SorryNotSorry) No, I'm not saying that I didn't like Ibong Adarna, Florante at Laura and Rizal's Novels, I mean... those are Classics! But if you are bound to face countless class reports and compelled to illustrate every chapter, you'll also be thankful that you can skip the printed word and just opt to watch the movie version instead. I can't remember a time when reading has not been a task but a luxury we students enjoy, a time well-spent, a moment we can't wait for like Recess. I can talk passionately about this because it's not a very long time ago that I've been in the position the kids today are in. Moreover, I've always pointed out that young people don't read books written in Filipino because most of the published books either just talk about love, family, sacrifice, pain and struggles -- concepts they can probably relate to or not but they won't definitely take delight in. Or maybe, just maybe, some of the reading materials we present to them weren't written for them specifically. And that is why I laud Adarna House for publishing this book. Mad props!


I've been a gamer myself. I used to go to computer shops to play Counter Strike in elementary, but what really hooked me was Gunbound, I don't know if any of you still remember that game but it has really been popular back in 2006. Don't let its cute GUI fool you because I've met serious gamers around the world in the Gunbound arena. It's not just two players firing at each other, this artillery game is all about strategic calculation. However, as the fuss died down and DOTA captured the hearts of every gamer I know at that, I let the girl in me bloomed into a lady and shied away from RPG and online games. Okay, let's just be truthful here, DOTA is beyond me. My then 5 year old brother (who will turn 11 in June) understands it better than I do! I've tried so hard, but believe me, this brain I have just won't accept it.


In this book, Janus and his friends chose another online battle arena over DOTA, Terra Anima Legion of Anitos (TALA), a game developed by three Filipinos only known to many as ECS, LOG and JAP.  TALA plays a huge part in the narrative of this book. Online games lure kids and every kid at heart, its magnet is something no one can turn away from and that is why Janus and his friends can't stop playing TALA, be it just for bragging rights or self fulfillment, they know they need to find Tala and finish the game.

Like every other game, TALA has different levels and a player must compete and win against Philippine mythical creatures like the Tiyanak on Level 1.
Image from Talarchives.net
Every player needs a BAT or the Bayani-Anito-Tandem to combat the monsters on every level and because of TALA's intricate game design, every player is assured that no BAT is alike.
Image from Talarchives.net
A player can choose between a Bagani or a Pusong for their Bayani and their Anito can either be a Diwata or a Nuno.
Image from Talarchives.net
But the mystery will begin to unfold as Janus and his friend Harold alongside with four other gamers vie for a place in the nationwide TALA tournament and everyone died as they reach a certain level, save for Janus. The question is: Is the role-playing game really instrumental in the death of Harold and the others? Another gamer Joey, who contacted Janus affirms the theory, but should we really believe him?

I had my 10 year old brother read this before I did. I felt he'll appreciate this because he is an RPG addict like the protagonist of the story. He kept talking about the game and how to play it while reading and that to me is a testament that the author did an awesome job on world building. Well, it is safe to say that he created Janus's universe in a way even young readers can grasp and imagine it. I can say that at a time it is almost believable that I myself had to think about its implication to the real world I'm in. What if, what if the legend of the Tiyanak from Tábon were true?

I don't know if you've already read the first chapter but if ever you haven't I suggest you do. It just doesn't open Janus's story but it's a sneak peek into the life he leads -- a look into his family, friends, environment and who Janus really is.

The book is written in third person narrative as opposed to other Young Adult novels that are in first person but this only allowed the author the freedom to explore not only the thoughts of the protagonist but other events as well.

My instincts tell me that I must stop here and just invite you to the book discussion I will lead next week (I shall announce the venue very soon) or else I won't be able to stop myself from blurting out spoilers. Too. Much. Feels. I can't even....


Let me just leave you with this...
I've long concluded that the books written by The Edgar Calabia Samar are not just manuscripts but a mixture of love, passion and hardwork. Reading his work has always been an experience and Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon didn't stray away from that streak. It is exciting, thought-provoking and action-packed I just hate I need to wait until November for the second book.


Guest Blog: Edgar Calabia Samar

Ikinalulugod kong ipakilala sa inyong lahat ang isa sa mga paborito kong mángangathâ, si Edgar Calabia Samar.
Note: To my international readers, this entire post is written in Filipino.

Ang Talinghaga sa mga Nilalang na Kagila-gilalas

Sa una kong nobelang Walong Diwata ng Pagkahulog, sinikap kong magbuo ng isang mito tungkol sa mga dakilang manunulat: na anak sila ng isang diwata sa isang mortal. At bagaman hindi nagiging diwata ang anak ng diwata, hindi rin sila nagiging ganap na karaniwang tao. Kaya marami sa kanila, káhit nabubuhay sa mundong ito, parang laging lumilipad sa kung saan ang isip. Parang laging may kinakapang kung ano ang puso. Mananatili sila sa mundong ito subalit hindi rin nila mararamdaman na kabilang sila rito kaya’t patuloy silang kakatha ng mga daigdig na ito-subalit-hindi-rin-ito sa pag-asa na matatagpuan ang kung anuman iyong hindi rin naman nila mapangalanan.


Samantala, nang isulat ko ang ikalawa kong nobelang Sa Kasunod ng 909, nagtuon naman ako sa mga manananggal, itong larawan ng ating sinaunang tákot, na pumapainlanlang sa mga gabi ng matinding gutom, at iniiwan ang kalahati ng katawan sa lupa. Sa isang banda, may matandang pangarap na pantao na tinutupad ang larawan ng manananggal: ang pagnanasang makalipad, at tanawin ang mga bagay mula sa itaas. Pero dahil din doon kaya’t hindi rin sila makapamumuhay bílang ganap na tao. Tulad ng anak ng diwata, namumuhay sila bilang iba. Nagbibitak at nahahati ang loob nilang magkasabay na nakatuntong sa mundo at pumapailanlang mula rito.


Iyon sa palagay ko ang bisa ng ating mga kuwento at karunungang bayan na pinagmulan ng mga tauhang ito—ang lagi’t laging ipaalala sa atin na may iba pang mundo. Sa isang banda, ganito rin ang bisa ng talinghaga sa ating mga sinaunang tula, na kasintanda marahil ng kuwento ng mga diwata’t manananggal. Talinghaga ang kapasidad ng kamalayan sa pamamagitan ng malikhaing pahayag na makita o tingnan ang isang bagay bilang iba pang bagay. Niyayanig nito kung gayon ang daigdig ng literal—ang pragmatikong mundo ng naririto, hayag at kongkreto—upang maghain ng bisyon, ng kaisipan na nagmumula subalit lumalampas sa dinaranas ng mga pandama.


Para sa pinakabago kong nobela at kauna-unahan kong YA novel, ang Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon, isang alamat ng Tiyanak naman ang binuno ko. (Siyempre, hindi ko sasabihin ngayon kung ano iyong nabuo ko.) Anuman, sinisikap kong harapin pa rin dito ang isa na namang larawan ng kagila-gilalas sa ating mga kuwentong-bayan. Tulad ng talinghaga, sa palagay ko’y nariyan ang mga nilalang na ito upang patuloy at paulit-ulit na pagbukalan ng ating pagpapakahulugan.


Ehersisyo ng pagpapakatao ang pagbibigay-kahulugan sa mga bagay-bagay. Hindi nito nalulubos at hindi malulubos ang pagsagot sa mga tanong na nasa isip natin, totoo, subalit kailangan din ang mga guwang at puwang na iyon upang pagsidlan ng ating haraya, ng ating imahinasyon, na maaaring naging bahagi ng ating pagkatao sapagkat kailangan natin. Sabi nga ng isang nobelistang Ingles na isa sa mga unang pumaksa ng nangyaring 9/11 sa nobela: “cruelty is a failure of imagination.” Kabiguan ng haraya ang kalupitan. Sa gitna ng kabi-kabilang trahedya sa bayan natin, paano natin ito hinaharap? At paano ito hinaharap ng mga manlilikha ng ating bayan?

Ang haraya, na nagpakilala sa ating mga diwata, manananggal, tiyanak, ang nagturo rin sa ating mga ninuno, sa pamamagitan ng isang dalít na: “Ang sugat ay kung tinanggap/ Di daramdamin ang antak./ Ang aayaw at di payag,/ Galos lamang, magnanaknak.” Ito siguro ang ubod ng ipinagpaparangalan nating tatag bilang isang bayan. Lahat ng sugat na kaya nating tanggapin.

*Maaaring i-like sa FB ang Janus Sílang Series sa http://www.facebook.com/JanusSilang. Maaari ring i-follow si Edgar Calabia Samar sa @ecsamar sa Twitter. Bisitahin ang edgarsamar.com para sa iba pang akda ni Samar.

Author Interview: Edgar Calabia Samar

Note: For my international readers, this post is written in Filipino.

Matagal-tagal ko na ring kilala si Edgar Calabia Samar o mas kilala ng ilan sa tawag na Sir Egay o Egay. Una ko siyang nakadaupang-palad nang ako'y dumalo sa isang pagtitipon ng Pinoy Reads Pinoy Books na noon ay sabayang binabasa ang kanyang unang nobela na Walong Diwata ng Pagkahulog. Pagkatapos nga ng gabing iyon sa Marikina ay naging masugid na akong tagahanga ni Sir Egay na lalo ko pang nakilala nang minsa'y naglakbay kami upang hanapin ang Atisan. Noong araw din na 'yon ko nakilala si Janus Silang at simula nga noon ay talagang inabangan ko na ang araw na mababasa ko ang aklat na ito.

Ngunit bago pa natin pag-usapan ang buong libro, tayo ay pinaunlakan ni Sir Egay ng isang maikling panayam upang lalo pa nating makilala ang ating bidang si Janus!

TheLibrary Mistress: Bakit Janus Silang ang pangalan ng bida?

Edgar Calabia Samar: May kababata at kaibigan akong Janus ang pangalan, dahil January ang birthday niya, at matagal na niya akong kinukulit sa FB chat na isama siya sa mga sinusulat ko. Med rep siya, at kapag tinatanong ko siya kung ano ba ang mga interesting sa buhay-med-rep, wala naman siyang maikuwento. Sabi niya noon, kahit pangalan na lang niya ang gamitin ko. Nang pinaplano ko ang pagsusulát ng nobela, at nag-iisip ako ng pangalan ng bida, naghahanap ako ng pangalang makauugnay pa rin ang henerasyon ngayon, at noon ko naalala ang Janus. Pero hindi ko sinunod ang buong pangalan niyang Paul Janus dahil Janus Gregorio Sílang ang buong pangalan ng ating bida. Bakit Sílang? Sasagutin ito ng mga susunod na aklat kapag binalikan natin ang angkan ni Janus.

TLM: Sino si Janus Silang at bakit dapat namin siyang makilala?

ECS: Kinakatawan ni Janus ang karaniwang kabataan sa kasalukuyan na may mga barkada, nagkaka-crush, napapalayo ang loob sa mga magulang dahil sa pagbibinata, nalululong sa mga bisyong tulad ng pagdo-DOTA. Subalit si Janus din ay kumakatawan sa pantastikong buhay na pinapangarap at maaaring napapanaginipan lang ng ilang kabataan. Si Janus ang bayaning nasa puso ng bawat batang ibig iligtas ang mundo laban sa lahat ng nilalang ng dilim.

READ MORE: Cover Reveal: Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon by Edgar Calabia Samar

TLM: Bilang awtor, ano ang inspirasyon mo sa pagsulat ng akdang ito?

ECS: Matagal ko nang gustong makapagsulat ng nobelang sa palagay ko’y mababasa’t magugustuhan ng mga taong mahalaga sa akin. Hamon sa akin ang pagpapahalaga sa simpleng pagkukuwento. Sa mga una kong nobela, higit na nangingibabaw ang proyekto ng pagsasanaysay kaysa pagsasalaysay. Ngayon, gusto ko lang lumikha ng nobelang pananabikan ng mambabasa. Ngayon, gusto kong maunawaan kahit ng isang karaniwang teenager. Kapag binasa niya ang nobela ko sa halip na mag-DOTA sa loob ng kung ilang oras, alam kong hindi nasayang ang panahon ko sa pagsusulat nito. Pagkatapos niyang magbasa at habang hinihintay ang Book 2, puwede na ulit siyang mag-DOTA muna.

READ MORE: First Chapter Preview: Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon by Edgar Calabia Samar

TLM: Sa iyong nobelang, Walong Diwata ng Pagkahulog, ipinakilala mo ang mga tiyanak sa mundo. Saan nangagaling ang iyong pagkahilig sa mga tiyanak?

ECS: Noon pa mang tula ang mas isinusulat ko, interesado na ako sa ating mga panitikang-bayan, lalo pa ang mga nilalang ng dilim sa ating mga alamat. Nakapagsulat na ako ng mga tulang nagtatampok sa tiyanak, bago ko pa man ito ginamit sa aking mga nobela. Sa isang banda, halos awtobiyograpiko ang simula ng Walong Diwata ng Pagkahulog. Isa sa mga hindi ko malilimutang kuwento noong bata ako’y na pinaglaruan umano ako ng tiyanak.

TLM: Nabanggit na rin naman natin ang isa mo pang nobela, ano ang mas mahirap isulat?

ECS: Magkaiba ang antas ng hirap ng dalawa, dahil magkaiba ang proyekto. Mahirap magkompara. Unang nobela ko ang Walong Diwata, at gusto ko lang magsulat ng nobelang tingin ko’y hindi pa ginagawa sa nobelang Filipino. Iyan ang yabang ko noon, nagtagumpay man ako o hindi. Ang mahirap naman sa Janus Sílang, kailangan kong pagmukhain itong madali, lalo pa sa mga mambabasa. Siguro, kahit anong mahal mo, paghihirapan mo, dahil gusto mo ang pinakamabuti para rito. Pero sa bandang huli, ayaw ko nang pag-isipan ang hirap na pinagdaanan ko sa kanila. Ang importante’y natapos ko sa wakas, kahit pa hindi dito nagwawakas ang mga paghihirap na kailangan kong harapin.

*Maaaring i-like sa FB ang Janus Sílang Series sa http://www.facebook.com/JanusSilang. Maaari ring i-follow si Edgar Calabia Samar sa @ecsamar sa Twitter. Bisitahin ang edgarsamar.com para sa iba pang akda ni Samar.

Spotlight + Excerpt: Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon by Edgar Calabia Samar

 

Title: Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon
Author: Edgar Calabia Samar
Publisher: Adarna House


In a TALA Online tournament in the town of Balanga, all the players fell dead, save for Janus. Soon after that, teen after teen suffered deaths in computer shops around the country. Janus was contacted by someone who calls himself Joey, apparently another survivor of TALA like him. Janus did not expect the truths he would discover, weaving him into the mystery of the RPG that enthralled him—and into the legend of the Tiyanak from Tábon!

Meet and Greet the author, Edgar Calabia Samar! Have your books signed, meet book bloggers and Filipino readers at the bookstore launch of Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon on May 10, 2014 at National Bookstore SM North Edsa, 3PM. 

Cover Reveal: Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon by Edgar Calabia Samar

 

Title: Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon
Author: Edgar Calabia Samar
Publisher: Adarna House


Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sai ba’t ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kanya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG—at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!

Meet and Greet the author, Edgar Calabia Samar! Have your books signed, meet book bloggers and Filipino readers at the bookstore launch of Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tábon on May 10, 2014 at National Bookstore SM North Edsa, 3PM. 

a Rafflecopter giveaway

Library Mistress Credits: Code by Emporium Digital